Work in Ireland: Benefits and Opportunities for Filipino Workers
Benefits and opportunities for Filipino workers
Kapag naririnig ang "work abroad," kadalasan Australia, Canada, Taiwan, o Middle East ang naiisip ng maraming Pilipino. Pero may isa pang bansa na nagiging magandang option para sa mga Pilipino: ito ang Ireland.
English-speaking ito, kasama sa European Union, at may malinaw na employment permit system para sa skilled workers mula sa labas ng Europe. Sa guide na ito, makikita mo kung bakit maraming Filipino ang pinipiling work in Ireland, anong mga permit ang kailangan, at anong mga trabaho ang may demand.
Bakit Ireland? Mga benefits para sa Filipino workers
1. Patas na sahod na may minimum na itinakda ng batas
Simula 1 January 2026, €14.15 per hour ang national minimum wage. Para sa employment permit holders, may mas mataas pang minimum: simula 1 March 2026, hindi bababa sa €36,605 per year para sa General Employment Permit at €40,904 per year para sa Critical Skills Employment Permit (para sa may relevant degree).
2. English ang gamit sa trabaho at sa araw-araw
Isa sa ilang English-speaking countries sa European Union ang Ireland. Malaking advantage ito sa mga Pilipino, mula sa interview hanggang sa pakikisama sa katrabaho.
3. Maayos na proteksyon para sa workers
Pareho ang employment rights ng permit holders at Irish workers: minimum wage, at least 4 weeks na annual leave, 10 public holidays, paid sick leave, at hanggang 48 hours lang na average working week. Bawal ding kaltasan ang sahod mo para sa recruitment fees.
4. Malinaw na pathway sa long-term residency
Pagkatapos ng 21 months sa Critical Skills Employment Permit, o 57 months sa General Employment Permit, pwede kang mag-apply ng Stamp 4. Sa Stamp 4, pwede ka nang magtrabaho nang hindi na kailangan ng employment permit. Ito rin ang daan papunta sa Irish citizenship sa hinaharap.
5. Pwedeng isama ang pamilya
Ang Critical Skills permit holders ay pwedeng mag-apply agad ng family reunification, at ang General Employment permit holders ay pagkatapos ng 12 months. Kapag nasa Ireland na, pwede nang magtrabaho ang eligible na asawa o partner mo nang hindi kailangan ng sariling employment permit.
6. May established Filipino Community
Halos 20,000 na ang taong ipinanganak sa Pilipinas na nakatira sa Ireland ayon sa Census 2022, at may Embassy of the Philippines na rin sa Dublin.
Employment permits sa Ireland: Alin ang para sa'yo?
Para makapagtrabaho sa Ireland, kailangan ng mo ng employment permit na ina-apply ng employer, at ng employment visa para makapasok sa bansa. Ito ang dalawang pinaka-karaniwang permit:
|
|
General Employment Permit (GEP) |
Critical Skills Employment Permit (CSEP) |
|
Who it's for |
Most jobs not on the Ineligible Occupations List |
Jobs on the Critical Skills Occupations List |
|
Minimum salary (from 1 March 2026) |
€36,605 per year |
€40,904 per year (with a relevant degree) |
|
Family reunification |
After 12 months |
Immediately |
|
Stamp 4 |
After 57 months |
After 21 months |
May ilang trabaho na may mas mababang minimum na €32,691, tulad ng healthcare assistants, home carers, meat processors at horticulture workers. May quota rin ang ilang trabaho, kaya limitado ang bilang ng permits na ibinibigay bawat taon.
Hindi mo kailangang ikaw mismo ang mag-asikaso ng lahat ng ito. Ang employer at ang Cirrus team ang tutulong sa'yo sa tamang permit para sa iyo.
Anong mga trabaho ang may demand sa Ireland?
Regular na ina-update ng Irish government ang listahan ng mga trabahong pwedeng bigyan ng employment permit. Sa pinakabagong update noong May 2026, ito ang ilan sa mga sektor na may malinaw na demand:
- Healthcare at care work. Nurses, healthcare assistants at home carers, kung saan malaki na ang Filipino presence
- Construction. Kasama na ang steel fixers, curtain wallers, fencing erectors at concrete pump operators, at construction planners sa Critical Skills list
- Automotive. Motor mechanics, na may quota na 1,000 permits
- Agri-food. Dairy farm assistants, meat processing operatives at butchers
- Transport. Bus at coach drivers, na wala nang quota
Iba-iba ang requirements ng bawat role, tulad ng experience, qualifications at English level. Tingnan ang open roles ng Cirrus para sa mga kasalukuyang job openings.
Simulan ang career mo sa Ireland
Ang Ireland ay nag-aalok ng patas na sahod, malakas na proteksyon at malinaw na pathway para sa pamilya na manirahan sa bansa. Ang Cirrus Global ay DMW-licensed agency na tutulong sa'yo mula application hanggang deployment.
Tingnan ang open roles at mag-apply today. Wala pang role na bagay sa'yo? Mag-submit ng open application at ima-match ka ng recruiters namin sa upcoming opportunities.
